Okay, so inuwi ko si Glenn (cat namin ni Rich) nung Wednesday diba? Kinuha ko sa cat locker si Glenn mga noontime tapos meet-up kay jb sa may AS 101. Pagkakita niya sa sako ayaw hawakan kasi alam niya na may pusa sa loob. haha. Pero binuhat din niya kasi mabait siya. Haha
May pinuntahan pa kami ni jb sa may as-fc.. basta dun. Tapos may dinaanan pa palang readings si jb sa mainlib kaya siyempre sumama ako. Pagdating sa Package Counter sa lib..
Ako: (abot ang bag at sako with cat) Kuya, pakiingatan yung sako ah
Kuya Package Counter: (kuha ng bag at sako) Bakit ano bang andito?
Ako: Ah, eh, wag niyo na po alamin haha
Kuya Package Counter: ??
Ako: Ilayo niyo na lang po sa ibang bag para okay.
Kuya Package Counter: Sige na nga..
Nakailang minuto din kami sa Filipiniana section kasi mahaba yung pinaphotocopy na "Indolence of the Filipino People" for p.i. ni jb. Nagbasa na lang ako ng mga nakapost na articles sa tabi ng photocopying machine ni Lola Remy (so yun pala ang pangalan niya). Pagkabalik sa Package Counter..
Ako: (abot ng tag) Kuya kunin ko na po yung sako
Kuya Package Counter: (abot ng bag at sako) Ano to, pusa?!
[Grabe ang lakas ng boses niya ah. Rinig ng ibang nagdedeposit ng bag]
Ako: Uhm, haha opo
...
Ako: Tiningnan niyo po talaga?
Kuya Package Counter: Hindi, kinapa ko lang yung taas, parang may buntot.
Ako: Ah, kuya paa yun, wala pong buntot yan.
[walks outside]
Manong Guard: Pusa nga yan?
Ako: Haha opo
{Kung may pagkaparanoid ka sa mga gamit mo I suggest pag pumunta ka ng mainlib be cautious kasi pag na-curious sila kakapain pala nila mga gamit mo no?}
So Wednesday nga yun diba. That night nagdissect ako ng Pheretima (earthworm) at pusa magdamag (well, not really). Nasa labas ako ng bahay kasi kawawa naman yung pamilya ko kapag nabiktima sila ng formalin + lysol + ethanol fumes. Pinicturan pa nga ako ni dad eh. Nyahaha proud daw.
>>FAST FORWARD TO KAHAPON>>
So pumunta ulit kaming mainlib kasi gusto ko magWifi. Dala ko lang laptop (tsaka si jb. :P). Ayun, surf surf hanggang palayasin na kami ng library staff. Paglabas namin
jb: Haha narinig mo ba yung dude sa may bag?
Ako: Hindi bakit?
jb: Sabi nila ng guard, "Meow."
XD
Kwentong Bio Major
Sunday, January 20, 2008
Ang oras ay 4:14 AM
Ang oras ay 4:14 AM
Sign our Graffiti wall!
Monday, April 24, 2006
Ang oras ay 4:16 AM
Ang oras ay 4:16 AM
Heto na ang Wall!!
Instead of vandalizing CR walls, ceilings >, etcetera..Heto ang wall! Ilabas nyo na lahat ng matagal ng gustong isulat ng mga kamay niyo sa dingding, *este*, ah basta......itatype nyo nah! :)
Instead of vandalizing CR walls, ceilings >, etcetera..Heto ang wall! Ilabas nyo na lahat ng matagal ng gustong isulat ng mga kamay niyo sa dingding, *este*, ah basta......itatype nyo nah! :)

Click here to sign our Graffiti Wall! (Powered by PicLibs.com)
Summer NSTP-2 @ Bilibid
Saturday, April 22, 2006
Ang oras ay 3:50 AM
Ang oras ay 3:50 AM
I just arrived from our 1st day of summer NSTP-2. Galing kami ng New Bilidid Prison sa Muntinlupa, FYI. Hindi namin masyadong feel dahil sumabay ang tindi ng init sa social hall sa Bilibid. Good thing is they have this 2 super huge electric fan na tumapat ka lang ay lagas lahat ng buhok mo. Haha! Just kidding!
The program flow was just the same as the last time we went there. Ang pinagkaiba lang ay masakit ang ulo ko ngayon. Grr! But when it was already time for the interaction yun yung time na nalaman ko na once you promise them that you'll be back its OKAY for them and they'd be happy to hear it kahit na hindi matupad. Di talaga sila nag-eexpect na babalik ka. Pero pag natupad mo ung napakababaw na promise na yan, grabe, mas ikatutuwa nila yun at parang, for them, its too much and very overwhelming.. Hayy.. so inspiring!
As usual, puro games (pinoy henyo, alam nyo un db?), presentations- may nag ballet habang may naggiguitar, kantahan (papa cologne, torete, habang may buhay, atbp.)..the usual stuffs!

Here are my groupmates sa jeep, opo, jeep lang! Ang cute nila no?! Porket ako gising i just took a picture of them patong patong..haha! evidence na mainit at nakakapagod ang buong araw namin.
Anyway, tomorrow ule. Sasayaw kami ni Grace. haha! Sama kayo?! Sure! Magdala lang kayo ng baril para makapasok. Teka! Bawal celphone, camera atbpang devices, okay?!
My Cellphone Strikes Again
Friday, April 21, 2006
Ang oras ay 7:49 PM
Ang oras ay 7:49 PM

Nakita ko ito sa Eden Park sa Davao. :) Tama nga naman, diba?

T_T Bakit ba kasi lagi na lang inaabuso ang paggamit ng apostrophe? Kung kukunan ko ng litrato ang bawat "book's for sale" at iba pang grammatical errors sa daan, hindi na magkakasya dito. Haha!

Isa sa mga flavors ng Hot Loops na binebenta sa Mini Stop (sa may Katipunan). Haha! Napaka-imaginative naman ng nag-isip ng pangalan ng donut na 'to.

